Advertisers

Advertisers

Ex-SK Chairman, pinatay sa harap ng bakeshop

0 209

Advertisers

Binawian ng buhay ang isang dating SK Chairman sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Ansarie Ulangkaya Luntayan, 42 anyos, may asawa, dating SK Chairman ng Barangay Balong Pikit Cotabato, negosyante, at residente ng Barangay Takepan Pikit Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police Lieutenant Colonel John Miridel Calinga, nakaupo lamang ang biktima sa harap ng pag-aari nitong bakeshop sa Barangay Takepan Pikit Cotabato ng bigla dumating ang mga hindi kilalang salarin at pinagbabaril ito gamit ang kalibre.45 na pistola.



Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit.

Patay on the spot ang biktima nang tamaan ng bala sa kanyang ulo at dibdib.

Anggulong personal na alitan o rido ang natatanaw na motibo ng Pikit PNP sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.