Advertisers

Advertisers

Mister masama ang loob kay misis, pinasabog ang katawan

0 189

Advertisers

NASAWI ang isang mister, at apat ang sugatan nang masabugan ng granada sa loob ng bahay sa Barangay Pembo, Makati City nitong Sabado.

Dead on arrival sa Ospital ng Makati si John Al Javier, 35 anyos, may asawa, nakatira sa Leek St., Brgy. Pembo.

Sugatan naman sina Junnie Boy Duhay Lungsod Dizon, 36, ng Brgy. Pembo, nasa kritikal ang kondisyon; Jay Ar Ardeño, ng Levy Mariano, Brgy. Ususan, Taguig City; at Ronnie Rivas Mamayabay, 38, ng Corn Flower St., Brgy. Pembo.



Ayon kay Makati Chief of Police, Colonel Edward Cutiyog, nag-iinuman ang magkakaibigan sa loob ng bahay ni Javier nang maglabas ito ng hinanakit sa asawa, at kinuha ang granada at nilagay ito sa kanyang katawan.

Maya-maya pa’y nakarinig ng malakas na pagsabog ang mga residente ng lugar.

Narekober ng Makati EOD at Makati Forensic Unit ang pira-pirasong metal fragments na parte ng hindi pa alam na klase ng granada.

Dead on arrival sa ospital si Javier, habang sugatan ang dalawa niyang kasama at kritikal ang dalawa pa.(Gaynor Bonilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">