Advertisers
NASAWI ang walo katao kabilang ang 7 pulis, at 20 ang sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa Purok 11, Barangay Poblacion Naawan, Misamis Oriental, Sabado ng umaga.
Dead on arrival sa ospital ang mga pulis na sina SSg Michael C Ermac; SSg Reuyan Marjun; SSg Jevilou Cañeda; SSg Eugene A Lagcao; SSg Aaron P Ticar; SSg, Arnill M Manoop; SMS Eric Generalao; at retired SSg Abapo Anito na nagsilbing driver.
Sugatan naman sina SSg Jesson E. Pormento; SSg Peter Paul S. Llamera; SSg Jericho O. Tortogo; SSg John S. Dominguez; SSg Ricky G. Hista; SSg Kirby P. Markinez; SSg Jovane T. Adorable; SSg Algefer D. Carpio; SSg Cristy S. Narisma; SSg Lloyd B. Tumangob; SSg Edwin Calavio; SSg Kevin Ramos; SSg Joel Lumacad; SSg Jomar Maramara; SSg Gerry Harry Ucaya; SSg Mark Gil Macasero; SSg Marvin Velasquez; SSg Maute Mohammad; SSg Archel Fuentes; at Benjamin Mudabpel, driver ng wing ban truck.
Ayon kay Brigadier General Lorenzo Coop, direktor ng Police Regional Office 10, nakasakay ang mga pulis sa dalawang van at binabagtas ang kalsada ng Cagayan de Oro papuntang Iligan City nang mag-overake ang wing ban truck na mga pulis rin ang sakay at sumabog ang unahang gulong ng truck, nagresulta ng banggaan ng tatlong sasakyan.
Ayon kay Coop, galing sa schooling at police training sa Cagayan de Oro ang mga pulis na sakay sa dalawang van.
Nakabalik na sa kanilang kampo ang ilan sa mga sugatang pulis habang ginagamot pa sa hospital ang iba.