Advertisers

Advertisers

1st DAY NG PAGPAPATUPAD NG MASS TESTING, TAGUMPAY – ISKO

0 357

Advertisers

TAGUMPAY ang unang araw ng implementasyon ng Executive Order No. 39 ni Manila Mayor Isko Moreno na nag-aalok ng free mass swab tests sa public utility drivers at empleyado ng mga service-oriented establishments buong araw ng Martes, kung saan ang mga nakinabang ay nagpahayag ng kanilang pasasalamat dahil mayroon na silang kapanatagan ng isip dahil dito.

Pinasalamatan ni Moreno ang lahat ng sektor na sakop ng kanyang order dahil sa kanilang kooperasyon at pakikibahagi, at sinabing ang city government ay nag-aalok ng libreng confirmatory testing sa COVID-19 upang maprotektahan ang mas nakararami kontra coronavirus at maiwasan ang pagkalat nito.

Sinabi pa ni Moreno na dapat na may kasiguraduhan na kapag ang mga residente ay lumabas upang magtrabaho, ang pangamba na ma- exposed sa mga PUV drivers at empleyado ng mga service-oriented establishments at makuha ang virus ay mawawala na, dahil ang mga drivers at mga empleyadong ito ay nasuri na at ligtas sa panganib.



Si Vice Mayor Honey Lacuna, na siyang nasa itaas ng sitwasyong ito bilang doktor at siyang namamahala ng anim na ospital na pinatatakbo ng pamahalaang lungsod, ay nagsabi na ang mga nakinabang ng free swab tests ay laking pasasalamat at nagpahayag pa noon pa nila nais magpa-swab test pero walang perang pambayad.

Ang RT-PCR o swab testing ay confirmatory test para sa COVID-19, kumpara sa rapid testing na minsan ay naglalabas ng false negative o false positive results.

Sa pamamagitan ng swab test o RT-PCR na inaalok ng libre ng Maynila, ang mga nakapagpa-swabbed ng unang araw ay nakahinga na ng maluwag dahil hindi na sila nagbayad, ayon pa kay Lacuna

Nabatid na ang karaniwang bayad sa confirmatory tests ay nasa pagitan ng P 4,000 to P12,000 sa pribadong ospital.

Ayon pa kay Lacuna, ang mga specimens na mula sa mga nagpa-swabbed noong isang araw ay dinala sa pinakabagong RT-PCR molecular laboratory sa Sta. Ana Hospital na pinamumunuan ni Dr. Grace Padilla.



Ang nasabing laboratoryo, ayon kay Padilla, ay may capacity na sumuri ng may 1,000 katao kada araw, ito ay bilang karagdagan sa 200 hanggng 250 kada araw na nasusuri ng unang laboratory na nasa parehong ospital.

Sakop ng EO 39 ni Moreno ay ang mga employado ng malls, hotels, restaurants, supermarkets, vendors sa public markets at drivers ng pedicabs, tricycyles, jeepneys at e-trikes.

Sina Lacuna at Manila Health Department chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan ang nangasiwa free swabbing sa iba’t-ibang lugar, habang sina Business Promotion and Development Office chief Levi Facundo, Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) head Charlie Dungo at Manila Traffic and Parking Bureau chief Dennis Viaje ay nangasiwa naman ng free swab tests sa kani-kanilang areas of responsibility. (ANDI GARCIA)