Advertisers

Advertisers

17-anyos sexslaves ng adik na ama

0 178

Advertisers

DINAKIP ng pulisya ang isang durugistang ama sa kasong paulit-ulit na panggagahasa sa kanyang 17-anyos na anak sa Hagonoy, Bulacan.

Kinilala ni Bulacan Police chief Colonel Relly Arnedo ang suspek na si alyas Sergio, 48; habang itinago sa pangalang “Chelsy” ang biktimang Grade 11 student.

Sa report ng Hagonoy Police, nangyari ang huling insidente ng panghahalay 4:30 ng hapon ng Enero 27 ng taon.



Nabatid na sinimulang gahasain ng ama ang anak noong 13 anyos pa lamang ito, at sinasaktan kapag tumatangging makipagtalik.

Sa ulat, 8:30 ng gabi nitong Pebrero 7 naaresto ang ama sa kasong droga.

Dahil dito, nagkalakas ng loob ang biktima na sabihin sa mga kaanak ang mapait na dinanas niya sa kanyang ama habang nasa ibang bansa ang kanyang ina.

Agad na sinamahan ng amain ang pamangkin sa pulisya para sampahan ng kaso ang kanyang sariling ama.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">