Advertisers

Advertisers

NAIA TERMINAL 1,2,3 , NAKAPASA ULIT SA ‘SECURITY ASSESSMENT’ NG OTS AT TSA

0 154

Advertisers

MULING nakapasa ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals 1,2 at 3 na walang natuklasang ‘pagpapabaya’ matapos ang pagtatasa na isinagawa ng Office of Transportation and Security (OTS) at ang counterpart na Transportation Security Administration (TSA) ng United States of America noong Pebrero 13 hanggang 17, 2023.

Ang aktibidad ay isang patuloy na inisyatiba upang matiyak na ang airport operators ay makapagpapatuloy ng sapat na pagpapatupad ng mga hakbang ukol sa seguridad, batay na rin sa pamantayan at inirerekomendang mga kasanayan ng International Civil Aviation Organization (ICAO) upang protektahan ang mga pasahero at sasakyang panghimpapawid mula sa ‘acts of unlawful interference’ at pagbabanta ng terorismo.

Nabatid sa ulat na isinailalim sa security assessment ang mga aircraft operator na may mga flights papuntang US tulad ng Philippine Airlines (PAL) at United Airlines (UA).



Pinangunahan ni OTS Administrator Undersecretary Ma.O Aplasca ang entry at exit brief kasama si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong at iba pang opisyal ng MIAA.

Noong Agosto 2021, nagsagawa ng audit ang TSA tungkol sa kung paano ginagawa ang mga hakbang sa seguridad sa mga terminal ng airport.

Napakahalaga ng TSA audit para sa kaligtasan ng lahat ng pasaherong sakay ng sasakyang panghimpapawid at sa ilang lokal na airline na lumilipad papunta sa mga teritoryo ng US o sa mga airline na may connecting flight doon.

“Kung “mabigo” tayo sa pag-audit ay magdurusa ang ating mga lokal na carrier, maaaring hindi sila payagang lumapag sa US at maging ang ilang mga dayuhang airline mula US hanggang Manila ay maaaring ihinto.” ayon sa OTS. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">