Advertisers

Advertisers

Binatilyo bugbog-sarado sa ama ng dyowa

0 158

Advertisers

PUTOK ang ulo ng isang grade 10 student na binatilyo nang hampasin ng flower base at bugbugin ng ama ng kasintahan sa Cebu city.

Ang binatilyo, na isinugod sa ospital, ay nagtamo ng sugat sa ulo at katawan.

Nakakulong naman sa Carcar City Police Station ang 38 anyos na salarin na ama ng dalagita na isa ring grade 10 student.



Sa report, 5:00 ng hapon ng Biyernes, sa isang coffee shop sa lungsod nang makita ng ama (salarin) ang kanyang dalagitang ka-date ang biktima.

Sinugod ng ama ang binatilyo at hinampas ng flower base at pinagsusuntok sa iba’t ibang parte ng katawan.

Depensa ng salarin, nagulat lamang siya sa kanyang nakita at hindi nagpaalam sa kanya ang anak na sa kanyang pagkakaalam nasa paaralan ito.

Aniya, gusto lamang niyang makapagtapos ang anak at matutupad lamang ito kapag walang sagabal ang pagpasok sa isang relasyon.

Nahaharap sa kasong RA 7610, Child Abuse, ang salarin na isang single dad.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">