Advertisers

Advertisers

Pulis, 1 pa patay sa karambola ng 3 sasakyan

0 126

Advertisers

NASAWI ang isang pulis at isa pa, at apat ang sugatan nang magsalpukan ang tatlong sasakyan sa Julita, Leyte Lunes ng umaga.

Namatay habang ginagamot sa Burauen District Hospital ang mga biktimang sina Patrolman Vincent Paul Abad, nakatalaga sa Southern Leyte Police Mobile Force Company; at Noli Caña, drayber ng Ford Ranger, dahil sa tinamong pinsala sa ulo at katawan.

Sugatan naman sa karambola ang driver ng mini dump truck na si Felix Cabudoc, at tatlong sakay ng SUV na sina Jonaliza Maldo, Christine Codilla at Loreto Baloes na ginagamot pa sa ospital.



Sa ulat ng Julita Municipal Police Station (MPS), nangyari ang insidente sa kahabaan ng Barangay Poblacion District 4 12:15 ng tanghali.

Nag-overtake umano ang pulis sa sinusundang mini dump truck at bago ito nakabalik sa linya ay inabot ito ng Ford Ranger.

Dahil sa salpukan, nawalan ng kontrol si Caña at bumangga din ito sa dump truck.