Advertisers
PINAIIMBESTIGAHAN sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkamatay ng isang bata nang tamaan ng bola sa dibdib sa isang bayan sa Cebu.
Sa ulat, nangyari ang insidente sa loob ng paaralan sa Badian, Cebu.
Ayon sa report, nang tamaan ng bola sa dibdib, nangitim at nilagnat ang 12-anyos batang lalaki na isinugod sa ospital pero kalaunan ay binawian ng buhay.
Sa ulat, ikinuwento ng mga kaklase sa pamilya ng biktima na isang mag-aaral ang sumipa ng bola at tumama sa dibdib ng bata.
Natumba at sumuka raw ng dugo ang biktima.
Naniniwala ang mga magulang ng bata na biktima ng bullying ang kanilang anak.
Ayon sa NBI, isasailalim sa autopsy ang mga labi ng bata. Bukod pa dito, nag-iimbestiga na rin ang Cebu Provincial Police tungkol sa insidente.