Advertisers

Advertisers

Pilipinas at Malaysia nagkasundo sa pagpapanatili ng kapayapaan, seguridad sa WPS

0 156

Advertisers

TAGUMPAY ang naging pag-uusap nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Malaysian Prime Minister Aanwar Ibrahim sa bilateral meeting na ginanap sa Malakanyang.

Sa isang joint statement, sinabi ni Pangulong Marcos na kapwa kinikilala ng Pilipinas at Malaysia ang kahalahagahan na manapatili ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon, partikular ang West Phil Sea.

Dahil dito napagkasunduan ng dalawang lider na ipagpatuloy ang kooperasyon ng Pilipinas at Malaysia sa larangan ng politika at seguridad.



Kabilang din sa napagkasunduan ay ang pagpapatupad ng mga bagong approach kaugnay sa isyu sa West Phl Sea.

Muling palalakasin ng dalawang bansa ang joint commission meetings at joint initiatives para labanan ang transnational crime at terorismo.

Ayon sa pangulo, kapwa nila pinupuri ni Prime Minister Ibrahim ang progreso patungo sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Malaki aniya ang kontribusyon ng Malaysia sa peace process sa southern Philippines at umaasang magpapatuloy pa rin ang suporta nito lalo na sa pagtatatag ng Bangsamoro Autonomous region. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">