Advertisers

Advertisers

Titser naglakad ng 4 oras bitbit ang mga module ng mga estudyante sa Bataan

0 274

Advertisers

Isang guro sa Mariveles, Bataan ang nagpakita ng dedikasyon para sa edukasyon ng mga kabataan ngayong panahon ng pandemya.
Inakyat ng Alternative Learning System (ALS) teacher na si Joneil Deo Destreza ang komunidad sa Barangay Ipag kung saan higit 30 estudyante ang naka-enroll.
Walang internet o kahit signal ng cellphone sa lugar kaya tanging distance learning modules lang ang paraan para maipagpatulog ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral habang may banta pa ng COVID-19.
Buhat ng guro paakyat ng bundok ang isang kahon na naglalaman ng mga module ng mga estudyante roon.
Abot din sa apat na oras ang lakaran sa masukal sa daan habang pasan ang kahon ng mga module.
Madamo at maputik din ang daan kaya magiging mas malaki ang hamon sa pagdala ng mga module doon kung tag-ulan.
Pero ayon kay Destreza, inspirasyon niya ang mga kabataan doon na desidido pa rin mag-aral kahit kapos sa budget ang pamilya.
Nais niyang masiguro na sa kabila ng kinakaharap na pandemya, hindi maisasakripisyo ang edukasyon at tuloy-tuloy lang ang pag-aaral ng mga estudyante.(PFT team)