Advertisers

Advertisers

Covid-19 update: 616 gumaling; 59 namatay; 4,786 bagong kaso

0 118

Advertisers

UMAKYAT na sa kabuuang bilang na 182,365 ang mga tinamaan ng coronavirus sa bansa, base sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Biyernes ng hapon, ganap na alas-4.
May panibagong 4,786 confirmed cases ang iniulat ng DOH kahapon base sa mga pagsusuri ng 103 out of 109 current operational labs sa bansa.
Iniulat din ng DOH ang 616 na mga bagong gumaling para sa kabuuang 114,519
Sa naitalang 4,786 kaso kahapon 3,702(77%) ay naganap sa loob ng 14 na araw (August 8-21, 2020).
Ang mga pangunahing rehiyon na may mataas na kaso sa loob ng dalawang lingggo ay NCR (2,074 o 56%), Region 4A (670 o 18%) at Region 3 (259 o 7%.).
Nakapagtala naman ng bagong 59 na mga nasawi para sa kabuuang 2,940. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More