Advertisers

Advertisers

Lalaki nawalan ng trabaho sa pandemic, nagbigti

0 154

Advertisers

NABURYONG na ang 51-anyos na lalaki dahil sa COVID-19 pandemic, kaya naman nagbigti ito, Huwebes ng umaga sa Sta Cruz, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Felipe Segundo Y Mortel, walang hanapbuhay ng 2872 Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila.
Natagpuang walang buhay ang biktima, 9:30 ng umaga sa loob ng kanyang kuwarto at nakabigti sa frame ng double deck gamit ang extension wire.
Sa ulat, huling nakitang buhay ang biktima, ala-1 ng hapon habang inihahanda ang pagkain ng kanyang ina.
Ayon sa report, napag-alaman na wala naman umanong problema sa pag-ibig ang biktima kaya hinala ng kaanak na ang kawalan ng hanapbuhay dulot ng pandemic ang dahilan kung bakit winakasan nitong ang kanyang buhay.(Andi Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More