Advertisers

Advertisers

Miembro ng KFR bulagta sa barilan

0 149

Advertisers

PATAY ang isang miyembro ng sindikato na sangkot sa kidnap for ransom at pangunahin suspek sa pagpatay at paggahasa sa isang ginang nang makipagbarilan sa mga elemento ng Philippine National Police Anti Kidnapping Group (PNP AKG) sa Antipolo City Biyernes ng umaga.
Kinilala ang napatay na si Marlo Lacasti ng Brgy. San Juan, Antipolo City.
Ayon sa ulat, 9:30 ng umaga ng magsagawa ng operation ang pinagsanib na elemento ng PNP AKG sa pamumuno ni Col Villaflor Bannanwagan, Chief ng Luzon Field Unit, Provincial Intelligence Branch Benguet Provincial Police Office at Antipolo City Police Station sa Sitio Sapinit, Brgy San Juan, Antipolo City, Rizal.
Maghahain an mga otoridad ng warrant laban kay Lacasti sa kasong Murder, na ipinalabas ni Hon. Marybelle L Demot- Marinas Presiding Judge of Branch 8 RTC La Trinidad, Benguet na walang inirekomenda piyansa.
Pinaputukan ni Lacasti ang mga papalapit na mga operatiba na dahilan upang gumanti ng putok.
Si Lacasti ang pangunahin salarin sa pagpatay sa isang babae employer na si Mrs. Juat na pinagtataga at ginahasa sa Sitio Sayangan, Tuel, Tublay, Benguet noong 2013.
Tumakas at nagtago si Lacasti sa Antipolo City at sumapi sa isang grupo na sangkot sa gun for hire, Robbery at kidnapping na nag-o-operate sa lalawigan ng Rizal.
Itinuturing si Lacasti na no. 1 most wanted person sa Tublay Benguet ng lumabas ang warrant of arrest noong 2018.(Mark Obleada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More