Advertisers
PORMAL nang kinasuhan ng administratibo ang 12 pulis, 3 rito ay opisyal, kaugnay ng pamamaril na ikinasawi ng 4 sundalo sa Jolo, Sulu.
Ang siyam na pulis ay sina SMS Abdelzhimar Padjiri, MSgt. Hanie Baddiri; SSgt. Iskandar Susulan, SSgt. Ernisar Sappal, Cpl. Sulki Andaki, Pat. Moh. Nur Pasani, SSgt. Almudzrin Hadjaruddin,Pat. Alkajal Mandangan, at Pat Rajiv Putalan, pawang nasa restrictive custody ng Camp Crame.
Samantala, kabilang sa kinasuhan ng administrative ang tatlo nilang opisyal na sina Lt. Col. Michael Bayawan, Jr., Sulu Police chief; Maj. Walter Annayo, Jolo Police chief; at Capt. Ariel Corsino, chief ng Sulu Drug Enforcement Unit; dahil nasa ilalim ng doctrine of command responsibility nila ang mga pulis na nakapatay sa apat na intelligence officers ng Philippine Army.
Nauna dito, sinampahan ng kasong murder at planting of evidence ang naturang 9 pulis ng National Bureau of Investigation (NBI), habang inirekomenda naman ang paghahain ng neglect of duty laban kina Bayawan, Annayo, at Corsino.
Magugunita na magsasagawa ng intelligence at monitoring operation sina Major Marvin Indammog,Capt. Irwin Managuelod, Sgt. Jaime Velasco at Cpl. Abdal Asula sa pinaghihinalaang dalawang babaeng suicide bombers nang maganap ang pamamaril noong Hunyo 29, 2020.
Ang naturang suicide bombers, ayon sa militar, ang naghasik ng dalawang sunod na pagsabog kamakailan sa Jolo kungsaan 14 ang nasawi at 75 ang sugatan. (Mark Obleada)