Advertisers

Advertisers

Duterte pipirmahan na ang batas sa ‘Bayanihan 2’

0 203

Advertisers

POSIBLENG lagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang Bayanihan To Recover As One Act para sa P165 billion COVID-19 relief package.
Sa virtual presscon, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na humingi muna ng payo ang Malakanyang sa gobyerno sa nilalaman ng Bayanihan 2 na nauna nang iniendorso ni Pangulong Duterte sa Kongreso.
Nang maaprubahan ng dalawang kapulungan noong Hulyo nakasaad sa panukala ang pagkakaloob ng P50-B sa government financial institutions gaya ng Landbank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, Philippine Guarantee Corporation at Small Business Corporation para sa kaukulang pagpapautang sa mga sektor na apektado ng COVID-19 pandemic.
Batay sa panukala, pagkakalooban ng P5,000 hanggang P8,000 ang halos walang kinikitang mga pamilya sa mga lugar na naka-lockdown, mga OFWs at mga displaced workers.
Gayundin ay bibigyan din ng P13.5-B na tugon na nauugnay sa kalusugan, P4-bilyon para ilaan sa industriya ng turismo at P3-bilyon para sa programa sa trabaho at tulong ayuda sa mga displaced workers. (Vanz Fernandez)