Advertisers
PATAY ang isang miyembro ng Kidnap for Ramsom (KFR) at number 3 most wanted person nang makipagbarilan sa mga elemento ng PNP Anti-Kidnapping Group sa Siocon, Zamboanga del Norte.
Kinilala ang nasawi na si Lahaba Mujahid Bacolod @ Remy Bacolod, miyembro ng Adjang Adjang Group at tinuturing na No. 3 Most Wanted Person ng Barangay Makiang Siocon, Zamboanga del Norte.
Ayon sa ulat, 5:45 ng umaga nang magsagawa ng operation ang pinagsanib na elememto ng PNP AKG Mindanao Field Unit, RMFB-9, 905th COY PA, 12 MICO 1MIB, 11D PA, at 2nd WING PAF MANEUVER FORCE sa Sitio Dao, Brgy Makiang Siocon.
Isinagawa ang operasyon base sa warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Laarni N. Dagao, Presiding Judge ng RTC 9th Judicial Region Branch 27, Siocon, Zamboanga Del Norte sa kasong Murder Theft na ipinalabas naman ni Hon. Jerry B. Patcho, Acting Presiding Judge of 4th Municipal Circuit Trial Court Siocan-Baliguian- Sirawal 9th Judicial Region Siocon, Zamboanga del Norte. (Mark Obleada)