Advertisers
ISINUSULONG sa Senado ang panukalang obligahin ang mga opisyal ng gobyerno na isapubliko ang kanilang medical certificate.
Batay sa ilalim ng Senate Bill No. 1818 o “Fit-to-Work Act” na inihain ni Senate President Vicente Sotto III, nakasaad na dapat magsumite ang lahat ng public officials ng medical certificate na magpapatunay na sila ay fit to work, at kayang gampanan ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad.
Sinabi ni Sotto na mabubura kasi nito ang pangamba ng publiko, at upang matiyak din na kaya pang gampanan ng mga opisyal ng pamahalaan ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad.
Habang ito rin ay magsisilbing transparency at maaring makapagpataas ng moral sa mga kawani rin ng gobyerno.
Sa naturang panukala, nakasaad na ang mga maituturing na public officials ay ang mga elective at appointed officials, mga empleyado ng pamahalaan —permanent man o temporary, para sa career at non-career service, pati na rin ang mga military at police personnel. (Mylene Alfonso)