Advertisers

Advertisers

2 RETIRED POLICE, 2 PA NASAWI SA AMBUSH!

May kasamang high-value target

0 364

Advertisers

NASAWI ang dalawang retiradong pulis at dalawa pa nilang kasama nang tambangan sa Barangay Libertad, Palo, Leyte, Sabado ng hapon.
Kinilala ang mga nasawi na sina Dennis Monteza at Constatinto Torre, parehong retiradong pulis; Ian Pat Dolina, isang ‘high-value target’, taga-Palo; at Maritess Pami, ng Macaalang, Dagami, Leyte.
Ayon kay Maj. Joemen Collado, hepe ng Palo PNP, sakay ng kulay puting Ford Ranger ang mga biktima nang tambangan ng hindi pa nakikilalang mga salarin na sakay din ng isang behikulo sa Brgy. Libertad.
Dineklarang dead-on-arrival sa Leyte Provincial Hospital ang mga biktima.
Ayon pa sa hepe ng Palo Police, isa sa mga sakay ng SUV ang sangkot sa iligal na droga.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Palo PNP sa insidente.(PFT team)