Advertisers

Advertisers

Retiradong titser na-estafa ng matandang dalaga

0 283

Advertisers

KULONG ang isang matandang dalaga nang lokohin at pangakuan nito ang retired teacher na tutulungang ayusin ang problemang legal sa bahay sa Unit 102 Diamond Tower Condominium, Mariveles St., Barangay Highway Hills, Mandaluyong City.
Kinilala ang dinakip na si Cristina Flores, 48, nangungupahan sa nabiktimang si Victoria Despi, 53, retired teacher.
Sa salaysay ni Despi, buwan ng August 2020 nagkaroon siya ng legal na problema tungkol sa kaniyang bahay sa Cavite kungsaan nagpasya itong maghanap ng private attorney.
Nakarating sa suspek ang problema at nangakong maghahanap ng abogado. Hiningian nito ang biktima ng P271,000 sa iba’t ibang okasyon bilang pambayad umano sa abogado na mag-aasikaso sa problema nito sa kaniyang bahay.
Nagtataka ang biktima na sa kabila ng sunod-sunod na pangyayari, hindi pa rin nareresolba ang problema nito. Kaya’t nagpasya ang biktima na iberipika ang pangalan ng abogado na ini-refer ng suspek sa Oliva Firm & Associates Law Firm at natuklasan nitong hindi konektado sa naturang Law Firm ang nasabing abogado.
Nagpasya ang biktima na humingi ng tulong sa Mandaluyong City Police Station, na nagsagawa naman ng entrapment operation makaraang humingi na naman ng karagdagang P12,000 ang suspek.
Sinampahan si Flores ng kasong Estafa Thru Falsification of Public Documents.(Gaynor Bonilla)