Advertisers

Advertisers

Covid update: 585 gumaling; 58 nasawi; 2,426 bagong kaso

0 215

Advertisers

PUMALO na sa 311,694 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 19 (COVID-19) cases ang naitala sa bansa.
Sa case bulletin na inilabas ng DOH, nabatid na hanggang 4PM nitong Miyerkules ng hapon, Setyembre 30 ay nakapagtala pa sila ng 2,426 bagong kaso ng COVID-19.
Habang nasa 52,702 na ang aktibong kaso.
Pinakamarami sa bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 887 new cases, sinundan ng Cavite na may 201, Rizal na may 147, Negros Occidental na may 115 at Batangas na may 99 new cases.
May 585 namang bagong gumaling mula sa virus.
Sa kabuuan ay nasa 253,488 na ang bilang ng mga gumaling mula sa covid-19 dito sa bansa.
May 58 namang naitala ang DOH na bagong nasawi dahil sa virus.
Sa bilang na ito, 42 ay nasawi ngayong Setyembre, 12 noong Agosto, at 4 noong Hulyo.
Sa ngayon, pumalo na sa 5,504 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid-19.
May 35 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid-19 na kanilang naireport.
Kasunod parin ito ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)