Advertisers

Advertisers

20-ANYOS DALAGA PINATAY, INILIBING SA LIKOD BAHAY NG GURANG NA ‘DYOWA’

Salarin nakilala lang sa social media...

0 416

Advertisers

KARUMAL-DUMAL ang sinapit ng 20-anyos na babae sa kamay ng 50-anyos na lalaking nakilala lamang nito sa social media sa bayan ng Daet, Camarines Norte.
Kinilala ang biktima na si Angelica Torralba Mabeza ng Barangay Bibirao, Daet.
Ang salarin ay nakilalang si Arnel Bonito Siguenza, tubong Paracale , CamNorte pero nangungupahan sa Daet.
Sa ulat, nakakilala umano ng biktima sa facebook ang salarin at ilang buwan naring nagkaka-chat.
Pinaniniwalaang may malapit na ugnayan ang dalawa dahil ilang beses narin umanong nakita ang biktima sa inuupahang apartment ng salarin.
Setyembre 23, ini-report sa PNP ang pagkawala ni Angelica nang hindi umuwi ng bahay sa araw ng kanyang dayoff.
Sa report, namamasukan ang dalaga bilang kasambahay sa Daet.
Matapos ang halos anim na araw na paghahanap, nahukay ang labi ni Angelica sa likod ng apartment ni Arnel nang sumuko ito at isalaysay ang ginawang krimen sa mga otoridad.
Ayon sa ulat, nakikipaghiwalay na umano ang dalaga kay Arnel at plano sanang magtrabaho sa ibang lugar, pero ayaw umanong pumayag ng salarin.
Paliwanag ni Arnel, hindi siya makatulog sa ginawa nitong krimen kaya nagdesisyon itong sumuko sa mga otoridad.
Wala pang pahayag ang mga kaanak ng biktima hinggil sa insidente, habang nakatakda namang isailalim sa kaukulang eksaminasyon ang bangkay.
Inaalam na rin kung posibleng nakadroga ang salarin.