Advertisers

Advertisers

3 magkakamag-anak brutal na pinatay

0 373

Advertisers

Patay ang tatlong magkakamag-anak, kabilang na ang dalawang menor de edad, sa pananagang naganap sa Barangay Nasandig sa bayan ng Batuan, Masbate, Biyernes ng madaling araw.
Ayon kay Police Capt. Alfredo Lastrella Jr., hepe ng Batuan Municipal Police Station, pumasok ang salarin sa loob ng bahay ng mga biktima at pinagtataga sa ulo, mukha at iba pang bahagi ng katawan ang mga batang 6 at 7 taong gulang.
Nagising umano ang 30-anyos na tiyuhin ng mga bata pero maging siya pinagtataga ng salarin na kanilang kabarangay.
Sa ulat, target ng salarin ang guardian na babae ng isa sa mga bata na pinagtangkaan ring tagain ilang oras bago ang insidente pero napigilan ng mga residente.
Nagkataon umanong lumabas ng bahay ang nasabing guardian kasama ang ina ng isa pang bata nang mangyari ang krimen.
Pinagbintangan umano ng guardian ang salarin na nagnakaw ng nawawalang wallet ng kaniyang nanay.
Patuloy pang pinaghahanap ngayon ng mga pulis ang nakatakas na salarin na sasampahan ng kasong multiple murder.