Advertisers
I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.
ARESTADO ang dalawang kabataan sa drug buy-bust operation sa Barangay Masin Sur, Candelaria, Quezon, Sabado ng gabi.
Kinilala ang mga nahuli na sina Vincent Cantos, 21, residente ng CTC Subdivision Brgy. Malabanban Norte, Candelaria; at John Loyd Cueto De Guzman Alias JL, 21, ng Sitio Bololoy, Brgy. Masin Sur, Candelaria, kapwa college students.
Nakuha kina Cantos at De Guzman ang ginamit na marked money at marijuana.
Inaalam pa ng pulisya kung magkano ang halaga ng narekober na marijuana.
Ayon sa Philippine National Police, bukod sa bayan ng Candelaria, nagbebenta rin ang da-lawa sa bayan ng Tiaong at Sariaya.
Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(Mark Obleada)