Advertisers

Advertisers

Korte ipinag-utos na sa Makati na ibigay na sa lungsod ng Taguig ang pagkontrol sa mga embo facilities

0 18

Advertisers

NAGPALABAS na ang Taguig Regional Trial Court Taguig ng Temporary Restraining Order (TRO) na inuutos sa pamahalaang lungsod ng Makati na agarang payagan ang lungsod ng Taguig na magamit at makontrol na ang mga government-owned facilities sa lahat ng mga EMBO barangays.

Ang kautusan ay ipinalabas nitong Mayo 5 batay sa utos ni Executive Judge Loralie Cruz Datahan ng RTC-Taguig na kung saan nais niyang ipatupad ang desisyun ng Supreme Court’s final and executory Decision ukol sa G.R. No. 235316 na kung saan nakapaloob na ang mga Barangays Cembo, South Cembo, Comembo, East Rembo, West Rembo, Pembo (kasama ang Rizal), Pitogo, Post Proper Northside, at Post Proper Southside na kilala din bilang EMBOs ay talagang bahagi ng territorial jurisdiction ng Taguig.

Nakapaloob din sa TRO na ipinagbabawal din sa Makati at mga tauhan nito na pigilan ang Taguig na makapasok at magamit ang naturang mga pasilidad na matatagpuan sa mga EMBO barangays at ang makialam sa Taguig para sa full at exclusive possession at operasyon ng mga nasabing pampublikong gusali.

Kabilang sa mga pasilidad na tinutkoy sa TRO ay ang mga pinasarang health centers, covered courts, multi-purpose buildings, day care centers, parks, at iba pang mga government properties na maituturing na public sa ilalim ng Proclamation Nos. 518 at 1916.

Sa kabila kasi ng pinal na desisyun ng Korte Suprema noong 2022 ay tumanggi pa din ang Makati na payagan ang Taguig na patakbuhin o pamunuan ang mga naturang public facilities at pinasara pa ang mga health centers at day care centers na kung saan nabigo ang mga mamamayan ng EMBO barangays na makatanggap ng mga essential basic services.

” The court found that Taguig Has sufficiently established extreme urgency for the present application , and that it stands to suffer grave injustice and irreparable injury without the injunctive relief prayer for,” bahagi ng desisyun ng Korte.

Samantala nagpapasalamat naman si Taguig City Mayor Lani Cayetano sa naging kautusan ng Korte dahil sa hangad ng lungsod na matitak na ang lahat ng mamamayan ng Embo barangays ay makatanggap ng maayos na serbisyo mula sa pamahalaan.

“Malaking tagumpay ito para sa mga taga-EMBO. Ngayong nasa Taguig na ang pamamahala ng lahat ng pasilidad na ito, titiyakin nating bukas at ganap na mapapakinabangan ito ng mga taga-EMBO—hindi isasara, hindi haharangan, kundi pagbubuksan para sa serbisyong noon pa man ay dapat nilang napapakinabangan,” ani Cayetano.