Advertisers

Advertisers

P4.5-T Nat’l Budget lusot na sa 2nd reading ng Kamara

0 190

Advertisers

APRUBADO na sa ikalawang pagbasa ang P4.5-trilyon proposed 2021 National Budget kasunod ang pagsuspinde ng sesyon sa Kamara hanggang Nobyembre 16.
Sa pamamagitan ng viva voce voting ay lusot sa 2nd reading ang House Bill No. 7727 or the General Appropriations Bill (GAB).
Kasunod ito ng mosyon ni Speaker Alan Cayetano para sa pagtalakay ng naturang proposed budget sa susunod na taon.
Ang ginawang ito ni Cayetano ay patunay na hindi niya ginigipit ang GAB. Bumuo rin ang Kamara ng ilang small group committees para tumanggap ng mga amiyendang isusumite ng mga kongresista para sa 2021.
Binibigyan lamang sila ng hanggang Nobyembre 5 para gawin ito. (Josephine Patricio)