Advertisers

Advertisers

Mayor ng Pandi, itinalagang team leader ng Bulacan Airport

0 228

Advertisers

Manunungkulan bilang team leader ng committee sa Bulacan Airport si Pandi, Mayor Enrico Roque, nang italaga ni Governor Daniel Fernando.
Layon nitong mapabilis ang pag-unlad ng socio-economic development ng lalawigan, makaraang pumunuan kamakailan si Bocaue Mayor Joni Villanueva na siyang chairman.
Malapit na ang konstruksyon ng international airport project na itatayo sa 2,500-hectare coastal property sa bayan ng Bulakan.
Tinatayang nasa P735-Billion project ng San Miguel Corporation (SMC) sa ilalim ng konstruksyon ng San Miguel Aerocity Inc. na sisimulan na bago matapos ang taong 2020.
Matatandaang una nang nagpatawag ng pulong si Gob. Fernando sa ilang mga miyembro ng Bulacan Mayors League, kung saan pormal na itinalaga si Roque upang pamunuan ang binuong airport committee.
Nabatid na ang committee’s implemen­ting body ay kinabibilangan ng mga piling local chief executives mula sa mga munisipyo at lungsod kabilang ang Pandi, Guiguinto, Bocaue, Bulakan, Obando, Sta Maria, Balagtas at Malolos City na inaasahang hahawak din ang mga ito ng posisyon na sakop ng nasabing komite katuwang ang mga tanggapan ng Provincial Development Council (PDC) at Provincial Planning and Development Office. (Thony D Arcenal)