Advertisers

Advertisers

Palasyo sa SALN ni Duterte: ‘BAHALA ANG OMBUDSMAN!’

0 295

Advertisers

BINIGYAN-DIIN ng Malakanyang na ipinapaubaya na nila sa Office of the Ombudsman ang pagre-release ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga taong 2018 hanggang 2019.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa Pulong Balitaan kahapon.
Saad pa ni Roque na may bagong guidelines na sinusunod ang Ombudsman sa paglalabas ng SALN.
Nilinaw pa ni Roque, isang constitutional body ang Ombudsman kaya’t kung ano ang itinatakda nito kaugnay sa proseso ng pagkuha sa SALN ng Pangulo ay siyang dapat sundin.
Batay umano sa panuntunan ng Ombudsman, kailangang may permiso muna sa subject ng SALN para magbigay ito ng go-signal sa isang nagre-request o nais makakuha ng kanyang Statements of Assets and Liabilities.
Nauna rito ay iginiit ng Malacañang na nagsusumite ng kanyang SALN ang Chief Executive. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)