Advertisers

Advertisers

5 carnapper arestado ng HPG

0 611

Advertisers

ARESTADO ang limang karnaper at apat na sasakyan ang narekober sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group (HPG).
Kinilala ang mga naaresto na sina Wharly Lirio, 36, convicted robber at 8th Most wanted Person sa Binangonan, Rizal; Esrom Paming, Homer Razado, Marcelino Dela Cruz, at Francisco Jardinel.
Ayon kay PNP HPG Director BGen. Alexander Tagum, matagal na nilang mino-monitor ang nasabing grupo at nang magkaroon ng magandang pagkakataon nitong October 15 agad sila nagkasa ng operasyon.
Nagkasa rin ng operasyon ang Calabarzon Police Highway Patrol Team (PHPT) sa Quezon at Laguna kungsaan narekober ang mga carnapped na sasakyang Hyundai Elantra, Ford Raptor, at Nissan Urvan.
Narekober din ng mga tauhan ng HPG ang ninakaw na Ford Ranger XLS 2019 sa may Cubao, Quezon City.(PFT team)