Advertisers

Advertisers

Sen. Go nanawagan ng whole-of-government approach sa implementasyon ng Bayanihan 2

0 226

Advertisers

HINIMOK ni Senate Committee on Health Chairman Christopher “Bong” Go ang Executive Department na tiyakin ang mas pinalakas na whole-of-goverment approach sa pagpapatupad ng iba’t ibang hakbang sa ilalim ng Republic Act no. 1194 o ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Sinabi ni Go na mahalagang malinaw sa mga ahensya ng gobyerno ang mga responsibilidad at mandato nilang gagawin lalo na ngayong may krisis dahil sa COVID-19.

Ayon kay Go, tulad ng palaging paalala ni Pangulong Rodrigo Duterte, dapat may isang salita ang mga ahensiya lalo pa ang tiwala at buhay ng taumbayan ang nakasalalay sa mga serbisyong ipinangako.



Binigyang-diin ni Go na nakikita niya ang sitwasyon ng mga kababayan tuwing namimigay sila ng immediate assistance at totoong hindi madali ang pinagdadaanan ng marami.

Ito aniya ang dahilan kaya palagi niyang kinalampag at ipinapaalala sa mga ahensiya ng gobyerno na aksyunan at solusyunan ang mga problema sa pamamagitan ng bayanihan.

Matatandaang mayroong 21 government agencies sa recovery process ng bansa kung saan ilan sa mga ito ang Department of Health na nangunguna sa COVID-19 response ng bansa; katuwang din ang Department of Labor and Employment para sa mga programang aalalay sa mga nawalan ng trabaho; Department of Social Welfare and Development para sa mga protection programs; PhilHealth para sa availability at access ng coverage para sa COVID-19.

Bukod dito, kasama rin ang DTI na umaalalay sa pagpapalawig sa mga programa para sa komersyo lalo na ngayon sa online platforms.

Giit ni Go, dapat ibigay kung ano ang ipinangako sa mga kababayan para makaagapay sa napakahirap nilang sitwasyon sa ngayon. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">