Advertisers

Advertisers

6,000 stranded OFWs ‘dismayado sa mabagal na swab test

0 274

Advertisers

DISMAYADO ang nasa 6,000 stranded overseas Filipino workers mula sa kanilang tinutuluyang quarantine hotels dahil sa mabagal na paghihintay sa resulta ng swab testing.
Ayon sa isang opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA), panibagong 1,500 OFWs ang dumating sa NAIA terminals kungsaan karamihan dito ay galing sa Middle East countries at pansamantalang maninirahan sa quarantine facilities.
Dahil sa pagdami ng stranded OFWs ay umaasa si DOLE Secretary Silvestre Bello III na malulutas na ang problema ng mga bayarin sa pagitan ng PhilHealth at Philippine National Red Cross upang mapabilis ang proseso ng swab testing para sa mga umuuwing Pinoy workers.
Nabatid na dahil sa iringan ng dalawang ahensiya ng pamahalaan ay napilitan ang OFWs na magbayad ng kanilang swab tests sa Red Cross na aabot lang ng 12-24 oras, kumpara sa matagal na paghihintay ng 14 days quarantine.
Sa kabila naman nito, ang ibang OFWs na hindi kayang magbayad ng P3,500 fee mula sa PRC ay lumilipat na lamang sa Phil. Coast Guard( PCG ) at doon nagpapa-swab test na maghihintay naman ng kanilang resulta sa laboratories ng pamahalaan.
Umaabot ang resulta ng swab test ng 4-7 days.(Jojo Sadiwa)