Advertisers

Advertisers

Higit P1m shabu nakumpiska sa 7 tulak

0 276

Advertisers

TINATAYANG aabot sa mahigit sa P1 million halaga ng shabu ang nasamsam mula sa pitong drug suspects sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Parañaque at Taguig City nitong Martes.
Kinilala ang mga dinakip na sina Dima Sayaat “alias Penda”, 28, ng 10 Ninoy Aquino Avenue, Brgy. Tambo; Sabrin Polindao, 32; at Richard Buenvenida, 39, pawang residente ng 10 Ninoy Aquino Avenue, Brgy. San Dioniso, Parañaque City.
Sa report, 8:20 ng gabi nang madakip ang mga suspek sa isang buy-bust operation ng mga tauhan ng Parañaque City Police sa Brgy. San Dioniso.
Nasamsam mula sa mga suspek ang 170 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,156,000.
Samantala, 7:43 ng gabi nang maaresto sina Armando D. Bagain, 37; Kevin S. Lunzaga, 26; Vincent F Zabala, 28; at Gilbert B. Esquivil, 28, sa 442 PNR Site, FTI Compound, Brgy. Western Bicutan ng nabanggit na lungsod.
Nakumpiska mula sa mga ito ang 27 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P183,000.00. (Gaynor Bonilla)