Advertisers

Advertisers

Laban sa mga bagyong paparating: DDR bill, ipasa na — Bong Go

0 435

Advertisers

MATAPOS ang pananalasa ng typhoon Quinta at banta ng papasok na bagyong “Rolly”, muling iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go ang panawagan niyang lumikha ng Department of Disaster Resilience (DDR) na siyang titiyak sa mas mabilis na responde ng pamahalaan sa kalamidad at iba pang natural na sakuna sa bansa

“Nitong nagdaang mga araw, maraming mga Pilipino ang nasalanta ng mga bagyo, flashflood, at iba pang mga sakuna, tulad ng bagyong Quinta. Ngayon, meron na namang papasok na bagong bagyo, ang bagyong Rolly, na inaasahan ding magdudulot ng mga pinsala at dagdag hirap sa taumbayan,” ani Go.

Ang Typhoon Rolly ay inaasahang magla-landfall sa Aurora-Quezon ngayong linggo ng umaga o gabi o sa Lunes ng umaga.



“Taon-taon, nakakaranas tayo ng higit kumulang dalawampung bagyo, at kaakibat din nito ang baha at landslide. Maraming lugar rin sa bansa ang nakararanas ng lindol. Bukod nito, kaliwa’t kanan ding may nangyayaring sunog sa iba’t ibang parte ng bansa.

“Sa madalas na pangyayaring ito, paano natin maseserbisyuhan nang maayos ang ating mga kababayan kung wala tayong klarong mekanismo upang ihanda ang ating mga komunidad?” ayon kay Go.

Sa rami ng nangyayaring natural disasters at kalamidad sa bansa, sinabi ni Go na panahon na upang maipasa ang panukala niyang Senate Bill 205 na layong lumikha ng DDR.

Ang nasabing departamento ang magiging tagarespondse ng gobyerno sa mga nagaganap na natural disasters at calamities, gaya ng bagyo at lindol, kung saan pagsasama-samahin ang mga kinauukulang ahensiya sa ilalim ng iisang bubong.

“Ito ang dahilan kung bakit matagal ko nang inirerekomenda at paulit ulit ko nang sinasabi na dapat magtayo na ng isang departamento na mayroong secretary-level in charge na magiging tagapamahala ng preparedness, response, and resilience measures upang maprotektahan ang mga buhay at kapakanan ng ating mga kababayan,” sabi ni Go.



“Sa pagtatag ng departamentong ito, mas magiging mabilis ang pagtugon ng pamahalaan at mas maiibsan ang masamang epekto ng mga kalamidad. Sa tulong nito, mas mabilis ding makakabangon ang ating mga kababayan pagkatapos ng mga sakuna,” idinagdag niya.

Sa pamamagitan ng DDR, may agad-agad na matatakbuhan ang publiko para mapagtanungan ng mga impormasyon at mahingan ng tulong sa oras ng kalamidad.

“Ang DDR ay magiging cabinet-level agency, kaya ito po ‘yung lalapitan at susundin natin kapag may sakuna. Bago pa man dumating ang krisis, aktibo na dapat ito sa paghahanda upang gawing disaster resilient ang mga komunidad. Magkakaroon din ng regional offices para hindi na po malillito ang ating mga kababayan kung kanino o kung saan makakahingi ng impormasyon at tulong,” ayon sa senador.

“Sa ngayon kasi, maraming ahensya ang nakikibahagi sa mga disaster-related na gawain. Pag-iisahin sa DDR ang mga responsibilidad at magiging pangunahing ahensya na ito ng gobyerno na sisigurado sa kahandaan at kakayahan ng ating mga komunidad sa oras ng sakuna,” idinagdag ng mambabatas.

Kaugnay nito, tiniyak ni Go sa publiko na naka-monitor si Pangulong Duterte sa mga ahensiyang may kinalaman sa pagresponde sa mga kalamidad.

“Tinututukan din ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng lahat ng ahensyang sangkot sa pagresponde sa mga kalamidad ang sitwasyon para magbigay ng epektibong emergency response at assistance sa lahat ng mga apektado.”

“Sinigurado rin ng Pangulo na laging handa ang ibang mga ahensya ng gobyerno sakaling kailanganin ang tulong ng mga ito,” he added.

Bukod sa DDR bill, umaaasa rin si Go sa mabilisang pagpapasa sa isa pa niyang panukala na layong makapagtayo ng mandatory evacuation centers sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Sisiguraduhin din natin na magkakaroon tayo ng mga evacuation centers na safe sa COVID-19 at iba pang mga nakakahawang sakit. Lalo na ngayon na may krisis pangkalusugan, ayaw nating magkahawaan ang mga kababayan nating naghihirap na. Kaya kaakibat ng DDR Bill na ito ang aking inihain rin na Senate Bill No. 1228 o ang Mandatory Evacuation Center Bill,” said Go.

Sa panukalang ito, magkakaroon ang bawat LGU ng evacuation centers na ligtas, maaliwalas, malinis, at kumpleto sa kinakailangang kagamitan at pasilidad.

“Ang pagsasabatas ng mga panukalang magtatayo ng DDR at mga mandatory evacuation centers ay isang malaking hakbang tungo sa pagiging isang disaster-resilient na bansa,” ani Go. (PFT Team)