Advertisers
HINDI pinalampas ni Pangulong Duterte ang mga nagpapasaring sa kanyang hindi pagdalo sa ikinasang briefing ng mga ahensya ng gobyerno sa kasagsagan ng bagyong Rolly.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, nais niyang iparating sa kanyang mga kritiko na hindi niya kailangang salubungin ang hagupit ng bagyo para mapatunayang ginagampanan niya ang kaniyang trabaho bilang punong ehekutibo ng bansa.
“Kaya kami taga probinsya we travel almost with regularity, bakasyon all souls day, kaya nga ako nauwi ito namang mga ugok naman sabi wala ako. I was waiting for just for the typhoon to pass, then lumipad ako napunta ako kanina sa, you know kung wala kayong patay,okay lang, kaming mga may patay kailangan umuwi kami doon sa amin. Pero ngayon nandito na ako, yung nagsabi na wala ako dito kasi wala nasa probinsya what’s your problem? ang mga papeles ipinadala niyo diyan , tapos pirmahan ko, tapos ipadala ko ulit, machine lang naman yan. The fact na wala ako nandito sa pagbayong ito, do you want me to stand,doon sa white sand ni Roy Cimatu just to show that I am here? Kaming lahat wala just because may bagyo. I was waiting the tail end ng bagyo, then lumipad ako,” pahayag ni Duterte.
Sinabi pa ng Pangulo, dapat na maintindihan ng lahat ng mga bumabatikos sa kaniya na nasa Davao siya upang magbigay respeto sa kaniyang yumaong mga magulang dahil sa katatapos lamang na Undas, at inabutan na siya ng bagyo sa Davao. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)