Advertisers

Advertisers

108-ANYOS NA LOLA, OLDEST RECIPIENT NG ‘PAYMAYA CARD’ – ISKO

0 282

Advertisers

TUWANG-TUWA na inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na isang 108-anyos na lola ang pinakamatandang tumanggap ng ‘Paymaya Card’ na ibinibigay ng lungsod sa mga senior citizens.

Ang lola na kinilalang si Leopolda Gomez Robble ng Barangay 753 Zone 81, Singalong, Manila ng District 5, ay magdiriwang ng kanyang 108th birthday sa November 19.

Ayon kay Moreno, si Robble ay walang cellphone number kaya naman ang kawani na naka-assign sa Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) ay inasistihan ang kanyang kinatawan upang ang kanyang Paymaya card ay marehistro sa database ng lungsod.



Ang nasabing card ang siyang pinagpapadalhan ng monthly allowance ng mga senior citizens na nagkakahalaga ng P500 mula sa pamahalaang lungsod.

Sinabi ni Moreno na si Robble ay inasikaso sa isa sa mga ‘Oscalinga Centers’ ng lungsod kung saan ang mga matatanda ay maaaring magpunta kung kailangan nila ng tulong para sa kanilang sarili.

Binanggit pa ni Moreno na bawat isang distrito ng lungsod ay may isang ‘Oscalinga Center’. Ito ay matatagpuan sa mga sumusunod na lugar: District I-Vitas Aquatic Center; District II-TESDA Old Building; District III-Paraiso ng Batang Maynila; District IV-Paraiso ng Batang Maynila; District V-Bagong Buhay Complex at District VI-Teresa Covered Court.

Maaring magtungo ang mga senior citizens sa nasabing centers sa ganap na alas-8 a.m. hanggang alas-4 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

Pinaalalahanan naman ng alkalde ang mga matatanda na huwag lalabas ng bahay kung sila ay kabilang sa tinatawag na high-risk age group o nasa 66-anyos pataas, dahil anya ang pinapayagan lamang ng Inter-Agency Task Force (IATF) na lumabas ay ang mga nasa edad 18 hanggang 65 sa panahon ng pandemya.



Sa halip ay maaari na lamang nilang ipadala ang kanilang kinatawan at maasikaso din naman ang mga ito. (ANDI GARCIA)