Advertisers

Advertisers

Bong Go sa DBM: Ibalik ang calamity fund ng typhoon-hit LGUs

0 239

Advertisers

UMAPELA si Senator Christopher “Bong” Go sa Department of Budget and Management na ikonsidera ang panukala niyang maibalik ang calamity fund ng mga local government na malubhang nasalanta ng Super Typhoon Rolly kamakailan.

Iginiit ni Go sa DBM na sana ay ma-replenish ang calamity funds ng typhoon-hit areas, partikular na ang Regions IV-A, IV-B and V, o ang Disaster Risk Reduction and Management Fund na katumbas ng 1% ng kani-kanilang Internal Revenue Allotments.

“Inuulit ko po ang aking apela sa DBM na pag-aralan ang pagbibigay ng karagdagang pondo para sa mga LGUs na pinakanaapektuhan ng Bagyong Rolly. Kahit at least 1% lang po ay i-replenish ninyo, malaki nang tulong ito,” ani Go.



“Malaki po ang magagawa ng pondong ito upang mapunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga komunidad, lalo’t naubos na ang kanilang naunang pondo dahil sa pandemya,” idinagdag niya.

Ginawa ni Go ang apela matapos ang panawagan ng mga apektadong LGUs dahil ang kanilang calamity funds ay naubos o nagamit na sa pagresponde sa COVID-19 pandemic at sa sunod-sunod na pagtama ng mga bagyo sa mga nakalipas.

Isinuhestyon din ni Go sa executive department na pag0-aralan ang posibilidad na magbigay ng karagdagang pondo sa LGUs na malubhang naapektuhan ng kalamidad base sa pangangailangan ng mga komunidad.

“I’m appealing to the executive, kay Pangulong Duterte, kay [DBM] Sec. [Wendel] Avisado na tulungan po ‘yung mga LGUs na wala na pong calamity fund para po magamit nila dito sa typhoon, pambili ng pagkain, pambili po ng gamot, dahil sunod-sunod po itong disaster na ating kinakaharap,” ani Go.

“Ngayon, nabigla sila dahil sa bagyo, so baka kulang o wala na silang gagamitin para magbigay ng tulong sa mga apektado ng bagyo,” dagdag niya. (PFT Team)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">