Advertisers

Advertisers

Duterte kay Robredo sa mga sinalanta ng bagyo: “Do not compete me!”

0 253

Advertisers

BINANATAN at tinawag na sinungaling ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo sa kanyang virtual public address nitong Lunes, Nobyembre 16.
Nagbunsod ito sa ginawang paghahanap sa kanya ng pangalawang pangulo sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Rolly at Ulysses kung saan nag-trending din ang #NasaanAngPangulo.
Ayon sa Pangulo, nakatutok siya at hindi natutulog ng araw na humagupit ang Bagyong Ulysses.
Katwiran ni Pangulong Duterte, dumalo siya sa virtual teleconference ng ASEAN Summit noong nasabing araw at sa kabila nito ay nakamonitor pa rin siya sa sitwasyon.
“I would like to give a caution to the Vice President. She made a blunder, a big one, and she practically lied, making her incapable of truth. Iyong pakana niya na wala ako noong bagyo, I was here. I was attending the ASEAN Summit,” pahayag ni Pangulong Duterte.
Kasabay nito, binatikos din ng pangulo ang aniya’y pagbibigay ng utos ni Robredo sa Armed Forces of the Philippines para sagipin ang mga biktima ng malawakang pagbaha sa Cagayan at Isabela.
Binigyang diin pa ng pangulo na hindi na kailangan niyang maglabas ng utos sa mismong panahon ng pananalasa ng bagyo dahil una na aniyang nakaposisyon ang mga ahensiya at kagamitan.
“Hindi mo na kailangan orderin ‘yan sila kasi two days before, deployed na ‘yan sila doon,” ayon kay Pangulong Duterte.
Dagdag pa niya, wala aniyang ginawa si Robredo kundi magpaganda ng imahe at magtawag ng tulong.
“During the campaign, papaalis na ako. Sige subukan mo. Matagal na ako maraming gusto sabihin sayo. Ireserba ko. When you start your campaign pag magtakbo ka ng presidente, waswasan kita nang husto. This is your nightmare,” pahayag ng Pangulo.
Binalaan din ng Pangulo si Robredo at sinabing: “Do not compete with me. Do not start a quarrel with me.” (Vanz Fernandez)