Advertisers

Advertisers

4 patay sa lumiyab na nagsalpukang van

0 212

Advertisers

APAT katao ang nasawi nang magliyab ang dalawang van na nagbanggaan sa Valladolid, Negros Occidental nitong Martes ng madaling-araw.
Ayon kay Police Capt. Wilfredo Benoman, hepe ng Valladolid Municipal Police Station, naganap ang head-on collision sa pakurbang daan sa Barangay Sagua Banwa 12:15 ng hatinggabi.
Kaagad na umapoy ang dalawang van kaya hindi nakalabas ang mga driver at pahinante.
Nagtagal ng mahigit apat na oras bago na-retrieve ang bangkay ng apat kungsaan kinailangan pang gumamit ng cutter ng Bureau of Fire Protection.
Ayon sa hepe, lulan ng wing van na may plakang MZK 1767 na papunta sa north direction ang magkapatid na Wendel at Carlo Larios, residente ng Mabinay City, Negros Oriental.
Samantala, hindi pa natutukoy ang pagkakilanlan ng mga sakay ng van na may plakang MHA 4613 na papunta sa Dumaguete City, Negros Oriental upang mag-deliver ng produkto.
Ayon sa Valladolid LGU, pawang grocery items ang laman ng dalawang van.