Advertisers

Advertisers

3 timbog sa 7 kilong ‘damo’ sa Bulacan

0 253

Advertisers

ARESTADO ang tatlong drug pushers nang makuhanan ng 7 kilong marijuana na nagkakahalaga ng P800,000.00 sa buy bust operation sa Guiguinto, Bulacan.
Kinilala ang mga naaresto na sina John Frederick Palaje at John Elbern Castro, kapwa taga San Juan, Balagtas, Bulacan; at Fernan Pacson ng Tiaong, Guiguinto.
Ayon sa ulat, 11:00 ng gabi nang magsagawa ng buy bust ang mga elemento ng Guiguinto Police Station Drug Enforcement Unit sa Brgy Tuktukan, Guiguinto.
Nasamsam sa mga suspek ang 7 block ng dried marijuana na may timbang na 7 kilos.

Ang narekober na mga iligal na droga ay dinala sa Bulacan Provincial Crime Laboratory para masuri, habang ang mga suspek ay sasampahan ng paglabag sa RA 9165.
(Mark Obleada/Thony Arcenal)