Advertisers

Advertisers

‘Nagbaril’ na NBI official utak ng pagkahuli ng mga teroristang Abu Sayyaf – DOJ

0 415

Advertisers

IPINAHAYAG ni Justice Secretary Menardo Guevarra na maraming napaarestong teroristang Abu Sayyaf ang namatay na counter-terrorism chief ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Raoul Manguerra.
Si Manguerra ay natagpuang may tama ng bala sa tiyan sa loob mismo ng headquarters ng NBI madaling araw ng Martes.
Para kay Guevarra, malaking kawalan sa Department of Justice (DoJ) at NBI si Manguerra.
Hinihintay pa ng kalihim ang resulta ng imbestigasyon ng NBI sa pagkamatay ng opisyal.
Isinailalim na ng NBI ang headquarters nito sa lockdown habang iniimbestigahan ang insidente.
Hindi rin pinapasok sa NBI ang mga pulis na nagpunta sa kanilang opisina sa United Nations Avenue para sana mag-imbestiga.
Samantala, hindi parin inaalis ang anggulong suicide sa pagkamatay ni Manguerra makaraang kumpirmahin ng kanyang misis na matindin ang depresyong pinagdadaanan ng opisyal matapos malaman na may colon cancer ito sa edad na 49 anyos.
Napag-alaman na kamakailan lamang ay namatay din ang ama ni Manguerra dahil sa sakit na colon cancer. (Jocelyn Domenden)