Advertisers

Advertisers

ATTY. PERSIDA ACOSTA VS. VP LENI ROBREDO

0 1,271

Advertisers

Ni MERCY LEJARDE

ISA si VP Leni Robredo sa naging topic sa tsikahan with The Philippine Movie Press Club ni PAO Chief Atty. Persida Acosta nito lang nakaraang Lunes, December 7, 2020 to be exact.

Tipong hindi kasi nagustuhan ni Atty. Persida ang paratang ni VP Leni na umano’y “irresponsible noisemaking” scare raw sa Dengvaxia ang ginawa noon at yun daw ang dapat iwasan sa Covid-19 vaccination.



In pernes naman kay VP Robredo ay wala siyang pinangalanan pero if we are not mistaken ang PAO ang isa sa mga umalma at nagsalita, nagtatanggol sa mga umano’y nabiktima at namatay na kabataang estudyante dahil sa Dengvaxia vaccine.

Sinabi rin ng mga forensic personnel ng PAO na ang cause of death ng ilang kabataan ay dahil sa dengue vaccine.

“VP Leni, iresponsable po ba ang tulungan ang mga nabiktima ng dengvaxia? Ang mga biktima mismo ang nag-iingay sa kanilang mga social media accounts at bilang taga-PAO, e, trabaho naming tulungan sila. Ang pagiging irresponsible, e, ‘yung hindi sila tulungan.

“Alam ni VP Leni ang trabaho ng PAO dahil siya mismo, e, naging PAO lawyer nu’ng hindi pa siya nagiging VP.

“VP Leni, I will give you a sisterly advice. Mag-isip-isip po sana kayo dahil kung nakikipagbakbakan ka, e, hindi mo kalaban ang PAO.



“VP Leni, please leave PAO alone,” pahayag ni Atty. Persida sa harap ng mga miembro ng PMPC.

Well, hindi kaya sa 2022 election ay maging magkalaban as President or VP ng bansang Pinas sina Atty. Persida at VP Leni?

Just asking lang po. And just curious but not yellow, yun na! Insert smiley, u!

Sa ngayon ay ipinaglalaban din ni Atty. Persida sa Kongreso ang tinapyas na budget ng kanilang forensic department at tipong sinisisi ni PAO Chief sina Senador Franklin Drilon at Senador Sonny Angara.

Ay, dapat lang, noh. Para sa mga naging biktima naman ng Dengvaxia yun so may K si Atty. Persida na lumaban for the sake of Dengvaxia vaccine victims, boom ganernn!

***

TRENDING ANG PBB CONNECT COZ MARAMING PASABOG

 

Opisyal nang nagbukas ang Bahay ni Kuya noong Linggo (Disyembre 6) para sa “Pinoy Big Brother Connect” na agad naging trending topic sa Twitter dahil sa pasabog na opening number nito at sunud-sunod na rebelasyon ni Kuya.

 

Sinorpresa ni Kuya ang 12 official housemates dahil agad siyang nagbigay ng task para masubok ang galing at diskarte nila bilang grupo. Nagtagumpay naman ang housemates sa unang task kaya nakaligtas sila sa unang nomination night.

 

Sinundan ito ng isa pang pasabog na siyam na housemates lang ang makakapasok sa loob ng bahay. Tatlong housemates ang maiiwan sa isang isolation area sa garden. Napili nina Kyron Aguilera (Ang Shy Biker Boy ng Butuan) at Mika Pajares (Ang Single Momshie-Kap ng Bataan) na pinangalanang heads of household sina Andrea Abaya, Crismar Menchavez, at Ella Cayabyab na matulog sa isolation area.

 

Bukod dito, may tatlo pang housemates ang papalaring makapasok. Sa unang pagkakataon sa “PBB,” may kapangyarihan ang outside world sa pagpili ng tatlong mapipiling housemates mula sa 117 na aspirants sa Kumu na magla-livestream simula Disyembre 6. Ang aspiring housemates na makatatanggap ng pinakamaraming virtual gifts ang magpapatuloy sa next round hanggang sa tatlo na lang ang matira na tatanghaling dagdag na official housemates.

 

Para laging maka-kunek ang Kumunity sa “PBB Connect,” handog din ng “PBB” at Kumu ang 24/7 livestream at apat na camera na naka-setup sa loob ng bahay. Pwedeng pumili ang viewers ng camera para matingnan ang mga ganap sa loob ng bahay anumang oras. Pati voting ay magaganap na rin sa Kumu.

 

Bago pa man pumasok ang bagong housemates, una nang nagbigay ng tour sa bagong bihis na Bahay ni Kuya ang mga host na nabigyan pa ng task na i-disinfect ang bawat sulok ng bahay bilang parte ng health and safety protocols ng programa.

Sumailalim din ang mga host, housemates, at staff ng programa sa RT-PCR swab testing upang masigurado ang kaligtasan ng lahat.

 

Kakaiba man ang premiere ng “PBB Connect” dahil walang live audience na sumasalubong sa mga bagong housemate, naging mainit at masaya pa rin ang gabi dahil sa engrandeng opening dance number nina Kim, Maymay, MNL48, SHA Boys, at BINI. Kalaunan ay humataw na sa Twitter ang official hashtag na #PBBConnectXmasSalubong.

 

Kailan kaya makakapasok ng bahay ni Kuya ang natitirang tatlong official housemates? Sinu-sino kaya sa 117 aspiring housemates sa Kumu ang makakabihag sa puso ng Kumunity?

Abangan ‘yan sa “PBB Connect” sa primetime, 8:30 pm sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel. Samahan din sina Bianca at Robi sa “PBB KUMUnect Tayo” ng 10 pm (weekdays) at 8:30 pm (weekends) at sina Melai at Enchong sa “PBB KUMUnect Tayo Afternoon Show” ng 5 pm sa PBB Kumu account (https://app.kumu.ph/PBBabscbn).

Abangan din ang updates ni Richard anumang oras sa araw sa “PBB” official accounts sa Facebook (PBBABSCBNTV), Twitter (PBBABSCBN), Instagram (PBBABSCBNTV), at YouTube (Pinoy Big Brother).