Advertisers
MATAPOS ang isa sa mga pinakabantay na midterm elections sa kasaysayan, malinaw na ang komposisyon ng bagong Senado ay nagbubunsod ng sari-saring pagsusuri. Ngunit sa kabila ng ingay, isang bagay ang litaw: sa maraming aspeto, ang resulta ng halalan ay tahimik na tagumpay para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at sa kanyang administrasyon. Mismo!
Sa pagkapanalo ng limang senador mula sa administra-syon—Erwin Tulfo, Pia Cayetano, Lito Lapid, Panfilo Lacson, at Tito Sotto—nasa maayos na kamay ang legislative agenda ng administrasyon. Mga batikang lider ito na may malawak na pambansang suporta at mga paninindigang nakasandig sa katatagan at pagpapatuloy. Dagdag pa rito ang pagbabalik ng mga haligi ng Liberal Party na sina Bam Aquino at Kiko Pangilinan, na kilala bilang mga moderado at malabong kumampi sa kampo ni Duterte, tila nabubuo na ang isang centrist o gitnang alyansa sa Senado.
Kapansin-pansin din na sina Camille Villar at Imee Marcos—na bagama’t tila nahiwalay sa administrasyon bago ang eleksyon—ay orihinal na kaalyado nito. Ang kanilang mu-ling pagkakapanalo ay maaaring senyales ng muling pag-aa-yos ng kanilang ugnayan sa administrasyon. Anuman ang na-ging hidwaan ay tila nalampasan na sa bisa ng mandato ng taumbayan.
Sa mga balitang umiikot sa political circles, lumalakas ang paniniwalang itinuturing ni Pangulong Bongbong ang nagdaang halalan bilang isang reperendum para sa pagkakaisa. Batay sa halo-halong resulta, pinili ng mga botante ang balanse kaysa solidong pagboto sa isang panig—iginawad ang suporta sa mga kandidatong may reputasyon sa karanasan at maayos na pamamahala, hindi sa mga maiingay at mapanirang populista.
Samantala, hindi maaaring ituring na panalo ang kampo ni Duterte. Ang pagkatalo ng pitong puwesto sa Senado ay malinaw na indikasyon na ang tinaguriang “Solid Duterte” vote ay tila humihina na. Nagbago na ang ihip ng hangin—mas pinili ng taumbayan ang mga lider na tagapagbuklod, hindi tagapag-udyok ng bangayan.
Ang mensahe ng resulta: isulong ang bansa sa pamamagitan ng kooperasyon, hindi komprontasyon. Para sa administrasyong Marcos, ito ay hindi lamang panalo sa bilang—ito ay panalo sa diwa. At para sa mamamayang pagod na sa hidwaan, ito marahil ang pinakamalaking tagumpay sa lahat.