Manila 3rd Dist Rep CHUA muling nahalal sa ikalawang termino kasama ang lahat ng kandidato sa pagka-Konsehal
Advertisers
ANG kontrobersyal na Congressman Atty. Joel Chua (Manila, third district), na bugbog sarado sa banat sa social media at rallies ng walang iba kundi si Vice President Sara Duterte at Mayor-elect Isko Moreno, ay muling nahalal sa ikalawang term, kabilang na ang buong tiket ng Asenso Manileno candidates para sa Konsehal sa nasabing distrito.
SI Chua kabilang ang limang Konsehal na tumakbo sa ilalim ng parehong partido ay prinoklama ng Manila City Board of Canvassers ng pareho ding araw. Ang Konsehal ay sina reelectionist- Councilors Fa Fugoso, Atty. Jong Isip at Maile Atienza, kung saan ang kapatid na si Chi ay tumakbo sa kabilang partido at prinoklama bilang vice mayor-elect pati na rin ang mga first-time Councilors na sina Karen Alibarbar at Jeff Lau, na dating president ng Manila Chinatown Barangay Organization.
Ang mahusay na Kongresista ay naharap sa isang sa isang matinding labanan dahil nakalaban niya ang kapatid ng nakaupong vice mayor at madalas na nakakaranas ng pag-ataki mula kay Duterte at Moreno.
Nagpahayag ng kanyang taos pusong pasasalamat si sa lahat ng residente ng third district sa kanilang patuloy na suporta at sinabi : “Buong puso po akong nagpapasalamat sa tiwala na inyong ipinagkaloob muli sa akin. Maraming salamat sa inyong suporta, panalangin, at paninindigan sa gitna ng hamon ng kampanya. Ito ay tagumpay nating lahat! Makakaasa po kayong hindi ko kayo bibiguin.”
Nagsilbi bilang Chairman of the House committee on good government and public accountability, si Chua ay isa rin sa House prosecutors para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
“Sa aking pangalawang termino bilang inyong Kongresista, tayo po ay maglilingkod nang higit pa sa inaasahan — nang buong puso at buong tapang. Muli, ako po ang Abogado ng Distrito, Hatid ay Serbisyo,” pagtitiyak nito. (ANDI GARCIA)