Advertisers

Advertisers

16 Pangalan lumutang na maging susunod na presidente sa 2022 – Blueprint.ph

0 261

Advertisers

Hindi lamang limitado ang bilang ng mga napipisil na maging susunod na Pangulo ng bansa, kung pagbabatayan ang report ng isang campaign management consultancy firm na nagsasagawa ng isang data analysis sa presenya ng mga posibleng presidentiables sa mga botante ay 16 ang matunog na mga pangalan.
Ayon kay Eero Brilliantes, CEO ng Blueprint.PH (www.blueprint.ph) lumabas sa kanilang data analysis base sa social media networking activities ay lumulutang na nais kumandito ng publiko sina Leni Robredo, Manny Pacquiao, Bong Go, Risa Hontiveros, Grace Poe, Ramon Ang, Chel Diokno, Sara Duterte, Alan Peter Cayetano, Tito Sotto, Jonvic Remulla, Pia Cayetano, Bongbong Marcos, Manny Villar, Lucy Torres – Gomez at Isko Moreno.
“If we go by our big data metrics, about 16 names are frequently being mentioned on social media, particularly Facebook, as potential presidential candidates. All have paths to the presidency. Social media networking activities alone through Facebook can generate 22%-35% of the votes in 2022,”paliwanag ni Brilliantes na siyang may akda ng librong “Campaign Management for Politics and Social Change”.
Sa analysis na ginawa ng Blueprint.PH lumilitaw na pagsuporta ng publiko sa 16 na posibleng presidentiables ay hindi nakaugnay sa kung ano ang kinaaanibang partido o katagalan na nito a mundo ng pulitika bagkus ang nakukuhang suporta sa publiko ay dahil nakikita ang kanilang ginagawa at kinagigiliwan ito.
Sa kasalukuyan, dalawang pangalan ang maaaring makipagtambalan sa kahit sino sa labing lima na matuturing na pinaka malakas ang potential na hatak na boto sa social media.
Sa kategoryang malakas ang pagbanggit ng pangalan sa mga mainstream media sa kanilang Facebook accounts, lumalabas ang sumusunod na ranking sa pangunguna ni Robredo at sinundan nila Pacquiao, Moreno, Hontiveros, Duterte, Marcos, Go, Sotto, Diokno, Ang, Alan Cayetano, Poe, Pia Cayetano, Remulla, Villar, at Torres-Gomez.
Pagdating naman sa pagbanggit sa mga pangalan mula sa mga influencers ay nanguna si Moreno at sinundan nila Robredo, Go, Pacquiao, Duterte, Marcos, Remulla, Hontiveros, Sotto, Poe, Pia Cayetano, Diokno, Torres-Gomez, Alan Cayetano, Ang, at Villar.
Ang pinaka malaking potensyal naman ng paghango ng boto sa pamamagitan ng mga personalisad na may malakas na Facebook engagement kahit maliit ang bilang ng followers ay pinangunahan ni Torres-Gomez at sinundan nila Ang, Remulla, Hontiveros, Villar, Duterte, Moreno, Pacquiao, Diokno, Robredo, Marcos, Go, Sotto, Alan Cayetano, Pia Cayetano, at Poe.
Ang study analysis na ginawa ng Blueprint.PH ay base sa nakuhang social media data mula June 1, 2020 hanggang November 30, 2020 kung saan sinuri ang may 344,761,479 data points na nasa Facebook.
Iginiit ni Brilliantes na sa kanilang analysis malinaw na ang 16, mayroon nang suporta mula sa publiko, ang kailangan na lamang nito maayos at tuloy tuloy na stratehiya para maging winnable dahil kumbinsido ang publiko sa kanilang potensyal.