Advertisers

Advertisers

Pulong Duterte: Solusyon sa tagumpay, puksain ang droga

0 175

Advertisers

Kasalukuyang naghahatid ng tulong ang tanggapan ni Davao 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte sa People’s Park, Davao City ngayong araw.
Tinataya na lagpas pa sa 23,000 ang matutulungan na displaced workers at mangingisda sa programa nito sa pakikipagtulungan sa iba’t-ibang sangay ng Pamahalaan.
Kasabay ng Livelihood Caravan ay ang libreng drug-test mula sa PDEA na naghihikayat ng malinis na pamumuhay para sa mga mamamayan.
“Kahit sa umpisa pa lang po. bago pa man ang presidente. Numero uno nang problema ang droga sa bansa. Sanhi ng kurapsyon at kasiraan ng mga pamilya. Ito ang bagay na dapat ipagpatuloy at mas pagtibayin pa upang tuluyan maging maayos ang bansa. Maayos na mamamayan at pagpuksa sa droga ang tanging solusyon,” pahayag ng mambabatas.
Nakaraan, nauna na din namigay ng tulong ang mambabatas sa ilang libong displaced workers mula sa mga hotels at samahan ng mga musikero sa Davao City upang makatulong sa kanila.
Ang Livelihood program ngayon ay sinabayan ng free drug-testing mula sa PDEA bilang suporta sa kampanya ng Pangulo Rodrigo Duterte laban sa droga.
“Ang aking tanggapan po ay sadyang naglaan ng budget para sa ginawang drug-testing, at tayo ay nagpatulong sa PDEA upang tama at mabilis ang drug-testing sa mga nagnanais magpa-test,” dagdag ng mambabatas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More