Advertisers

Advertisers

Go: Operational guidelines sa implementasyon ng Malasakit Centers Act nilagdaan na

0 262

Advertisers

TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go na tuloy-tuloy na ang operasyon ng Malasakit Centers sa buong bansa matapos niyang daluhan ang paglalagda sa Joint Administrative Order (JAO) para sa operational guidelines ng implementasyon ng Malasakit Centers Act of 2019 sa Premier Guest House sa Malacan~an compound.

Ang signing ng JAO ay garantiya na wala na talagang makapipigil sa implementasyon ng Malasakit Center program sa ilalim ng Republic Act No. 11463.

Kabilang sa mga lumagda sa JAO ay ang mga pinuno ng apat na participating agencies— Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office.



“Pakiusap ko lang sa four agencies na sumusuporta rin po. Sana po’y maiwasan natin ang pagbungi-bungi ng Malasakit Center, especially naisabatas na po ito. We understand na sa mga probinsya, talagang we are coping up dahil kulang po ang tao,” ayon sa talumpati ni Go.

“Pero nangako naman si Department of Budget and Management Secretary Wendel Avisado at Executive Secretary Salvador Medialdea na kung ano po ‘yung kakulangan po sa mga opisina ninyo […] ay susuportahan ng buong Executive Department,” aniya.

Sa naturang event, ginunita ni Go kung paano niya nabuo at ni Pangulong Duterte ang Malasakit Center program.

“Alam naman natin kung saan nag-umpisa itong Malasakit Center. Nag-umpisa ito kay Pangulong Duterte, dahil nakita ko talaga noon, […] maraming mga pasyente po ng Davao City na walang pera ang tumatakbo sa city hall,” sabi ni Go.

“Sabi ng COA, bawal gamitin sa hindi residente ng Davao ‘yung pera which is true and legal and valid. Pero po si Pangulong Duterte, si then Mayor Duterte, may puso sa mahihirap, lalo na sa mga taga-Bukidnon, taga-Surigao, taga-Zamboanga, na pumupunta pa noon ng Davao,” dagdag niya.



Kaya noong December 2019, ang Malasakit Center Act of 2019 ay naisabatas na ang layon ay maitayo ang Malasakit Centers sa lahat ng 73 DOH-run hospitals sa bansa at isa sa Philippine General Hospital.

“Bakit pa natin pahirapan ang ating mga kababayan, eh, sa totoo naman, pera nila ‘yon. Kanila po ito, sa taumbayan ito, ibalik natin sa kanila. At nang naging Senador po ako, ipinangako ko na isabatas ito. Iyon po ang pinakauna kong naging batas,” ani Go.

“Of course, with the support po from the Executive, pinirmahan po ito ni Pangulong Duterte. Dahil isa lang naman po ‘yung binilin ni Pangulong Duterte: unahin mo parati ang iyong kapwa Pilipino — lalo na ang mga mahihirap at pinakanangangailangan,” anang senador.

Hiniling ni Go sa PhilHealth officials na tulungan ang pamahalaan na labanan ang korapsyon sa ahensiya. Isa ang PhilHealth sa apat na opisinang bumubuo sa Malasakit Centers.

“Tulungan n’yo po ang ating mahal na Pangulo sa paglinis ng PhilHealth, at magkasama tayo sa laban na iyan,” sabi ng senador. (PFT Team)