Advertisers

Advertisers

Kontrata para sa covid vaccine supply ng bansa target maayos sa Enero

0 221

Advertisers

HANGAD ng pamahalaan na maseselyuhan na sa Enero ang kontrata para sa potensyal na COVID-19 vaccine.
Binigyang-diin ito ni Vaccine Czar at National Task Force COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez kaugnay ng isyu na mayroong pagkukulang ang pamahalaan na tiyaking mayroong suplay ng bakuna kontra COVID-19 ang bansa.
Ayon kay Galvez, target nilang maayos na ang kontrata para sa COVID-19 vaccine na likha ng Pfizer BioNTech bago matapos ang buwan ng Disyembre o sa unang Linggo ng enero.
Pahayag ni Galvez, hinihintay pa nila ang validation mula sa headquarters ng Pfizer at sa oras aniya na magkaroon ng kumpirmasyon at impormasyon mula sa kumpanya ay magpipirmahan na lamang ng kontrata.