Advertisers
LIMA katao ang naitalang nasawi sa pananalasa ng bag-yong Vicky sa Visayas at Mindanao.
Ayon kay Mayor Daisy Lleve, dalawa ang namatay sa landslide dulot ng malakas na ulan dala ng bagyong Vicky sa Mahaplag, Leyte.
Ang mga nasawi sa landslide sa Barangay Cuatro de Agosto ay edad 67 at 62-anyos na matandang babae.
Ayon naman kay Surigao Del Sur Governor Alexander ‘Ayec’ Pimentel, tatlo katao naman ang nasawi nang malunod sa Surigao Del Sur.
Nakapagtala rin ng landslide sa Bislig City, Surigao del Sur.
Sa Dumaguete City, Negros Oriental, at Lapu Lapu City sa Cebu naman, winasak ng alon ang mga kabahayang ma-lapit sa baybayin ng dagat.
Higit 70 kabahayan naman sa Barangay Ibo sa Mactan Island sa Lapu Lapu ang inanod ng malalakas na alon, kungsaan nasa 290 indibidwal ang nawalan ng tahanan.
@@@
Baha hanggang bubong ng bahay sa Agusan del Sur
NAGDULOT ng matinding pagbaha ang bagyong Vicky nang tumama ito sa Agusan del Sur nitong Sabado, Disyembre 19.
Ibinahagi ng netizen na si Katrina Marie Bartolini Acedo ang mga larawan ng sinapit ng kanilang tahanan sa San Francisco, Agusan del Sur.
Sa kabila ng nangyari, nagpasalamat parin sa Diyos si Katrina na ligtas ang kanyang pamilya, subalit hiling niya na sana ay ito na ang huling pagsubok na kakaharapin nila nga-yong 2020.
Bukod sa pagbaha, nagdulot din ng landslide ang naturang bagyo partikular na sa Leyte, Cebu, Agusan del Sur at maging sa Davao de Oro.
Nakalabas na ng bansa ang bagyo.