Advertisers

Advertisers

Clinical trial sa COVID-19 vaccine ng Janssen aprub sa FDA

0 222

Advertisers

MAY Go Signal na ang FDA para sa clinical trial ng Janssen vaccine.
Ito ang kinumpirma ni FDA Director General Eric Domingo matapos na aprubahan na kahapon (Disyembre 28) ang aplikasyon ng Janssen Pharmaceutical para sa clinical trial.
Ayon naman kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, na inaasahang sa ikatlong linggo ng Enero magsisimula na ang clinical trial sa nasabing bakuna.
Maliban sa Janssen kasama rin ang Sinovac at Clover sa nagsumite ng kanilang aplikasyon ngunit ang Janssen pa lamang ang aprubado ng FDA.
Ang dalawang bakuna ayon kay Domingo ay sumasailalim pa sa evaluation at documentation ng FDA.
Matapos umanong mapag-aralan ang kanilang aplikasyon ay saka sila bibigyan ng final clearance.
Sa EUA naman aniya, tanging ang Pfizer pa lamang ang nag-submit ng kanilang aplikasyon sa pamamagitan ng online noong December 23 ng hapon at naipadala na sa mga regulators at evaluators.
Inaasahan din ni Domingo na sa Enero ay mayroon pang ibang mag-a-apply at magsusumite sa FDA para sa AEU. (Jocelyn Domenden)