Advertisers
UMAKYAT na sa kabuuang 471,526 ang bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa makaraaang madagdagan pa ng bagong 886 na kaso nitong Martes, Disyembre 29.
Samantala ay mayroon namang naitalang 253 na gumaling at 38 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.0% (23,348) ang aktibong kaso, 93.1% (439,016) na ang gumaling, at 1.94% (9,162) ang namatay.
Sa mga probinsya at siyudad na may naitalang mataas na kaso ngayong araw ay ang Davao City, 61; Pampanga, 58; tig-45 sa Bulacan at Quezon City at 37 naman sa Cavite.
Ayon sa DOH, ang pagbaba ng kaso ngayong araw ay dahil sa temporary operation ng maraming laboratories nitong Linggo, December 27.
Sa nasabing petsa, 158 laboratories mula sa 198 ang nakapagsumite ng kanilang datos sa CDRS habang ang 34 laboratories ay nagdeklara ng “no operations” sa nasabing petsa.
Ang anim naman na laboratory naman ay hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa CDRS. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)